LA UNION – Sasailalim sa operasyon ang
26-anyos na misis na limang buwang buntis matapos nitong tusukin ng
karayom ang sariling tiyan.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union
sa naturang misis na residente ng bayan ng Dingras, Ilocos Norte,
sinabi nito na hindi siya pinansin ng kanyang mister nang idaing ang
pananakit ng tiyan at nais sanang magtungo sa pagamutan upang magpasuri.
Sa halip ay nagpatuloy lang daw ang kanyang mister sa pag-inom ng alak at paninigarilyo sa kanilang bahay.
Dahil dito, naisipan umano ng misis na
kumuha ng dalawang karayom at itinusok sa kanyang tiyan at tsaka lamang
naalarma ang mister na dalhin ito sa pagamutan.
Sa ngayon ay nakabaon pa rin umano sa
tiyan ng misis ang mga itinusok nitong karayom pero nakatakda ng alisin
ng mga doktor sa lalong madaling panahon.
Kasalukuyang naka-confine ang misis sa
Ilocos Training and Regional Medical Center na nakabase sa lungsod ng
San Fernando, La Union.
[You must be registered and logged in to see this link.]