STO. DOMINGO, Nueva Ecija --- Apat na hinihinalang miyembro ng isang kilabot na robbery hold-up gang na kumikilos sa Gitnang Luzon ang napaslang sa enkuwentrong nangyari kahapon ng madaling-araw sa Bgy. Burgos sa bayang ito.
Sa ulat ni P/Sr. Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija police director, kay Central Luzon police director P/Chief Supt. Edgar Ladao, naganap ito dakong alas-kuwatro ng madaling-araw pagkaraang mambiktima ang grupo ng dalawang burger store at isang papaluwas ng Maynila na Baliwag bus sa may Bgy. Malasin dito.
Bigla na lamang sumulpot ang mga naka-bonnet na suspek at tinutukan ng baril ang kundoktor ng bus na nakunan ng P14,000 habang naghihintay ng pasahero.
Kaagad namang naisumbong sa mga pulis ang panghoholdap kaya’t nagkaroon ng pagtugis at inabutan ang mga holdaper at nagkaroon ng enkuwentro.
Kinilala ang napaslang na sina Daryl Germino, Jeric Ace dela Cruz, Raymund dela Cruz at Mandy Villa, pawang residente ng Bgy. Maliolio, Sta. Rosa, Nueva Ecija na pinaniniwalaang miyembro ng Petinez Group na sangkot sa mga holdapan sa Nueva Ecija at karatig lugar.
Nakuha mula sa mga napaslang ang isang caliber .45 at isang caliber .38 na mga baril.
[You must be registered and logged in to see this link.]