Sukdulang pagkahayok ang isang kawatang rapist nang panggigilan at lapastanganin ang isang bebot mula sa niloobang haybol pero nang malamang buntis ang nagmamakaawang biktima ay walang awa itong kinatay ng manyakis sa Caloocan City kamakalawa ng hatinggabi.
Hindi na umabot nang buhay nang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tinamong dalawang saksak sa leeg ang biktima na nakilalang si Jaylene dela Cruz, 25, ng Block 140, Lot 10, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.
Nasakote naman at nahaharap sa kasong murder ang suspek na kinilalang si Christopher Acosta, 18-anyos, out of school youth at kalugar ng biktima.
Sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan-PNP, alas-12:30 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng dalaga sa naturang lugar.
Ayon sa saksi at kasamahan sa bahay ng biktima na si Olivia Calicdan, 26, mahimbing umano silang natutulog sa kabilang kwarto nang makarinig ng kalabog mula sa kuwarto ni Dela Cruz kung saan sumisigaw ito at humihingi ng tulong.
Dali-dali umanong nitong pinuntahan ang biktima at laking gulat nito nang makitang duguang nakahandusay ang naghihingalong si Dela Cruz habang nagmamadali namang umalis si Acosta kung saan ay naiwan pa nito ang ginamit na kitchen knife.
Agaran namang isinugod sa nabanggit na ospital ang biktima upang maagapan subalit sa kasamaang palad ay nalagutan ito ng hininga habang nasa biyahe.
Napag-alaman din na habang nasa biyahe ay nabanggit diumano nito ang tangkang panghahalay sa kanya ng kawatan pero nang manlaban at malamang buntis ay walang awa itong inulos ng kutsilyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Dahil sa natuklasan ay hindi nag-aksaya ng sandali ang mga kasamahan sa bahay ni Dela Cruz at itinawag sa pulisya ang nangyari na agad nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Sa presinto, napag-alaman sa interogasyon na pinasok umano ng suspek ang bahay na tinitirahan ng biktima upang magnakaw subalit naakit umano sa noo’y natutulog na biktima kaya binalak nitong gahasain.
[You must be registered and logged in to see this link.]