Ibang klase rin talaga itong si Nonito Donaire Jr.
Samantalang halos lahat ng boksingero sa buong mundo ay nagpapakamatay na matanganan ni Bob Arum, heto si Donaire at gustong tumiwalag kay Bob Arum.
O baka naman hindi si Donaire ang nag-aalburuto?
Base kasi sa mga lumalabas na balita, si Rachel Donaire ang nagsasabing gusto nang iwanan ni Donaire si Arum.
Hindi raw tinupad ni Arum ang kontrata na kailangan ay may tatlong laban taun-taon si Donaire mula 2008 na hawak ni Arum si Donaire.
Sa Hunyo magiexpayr ang kontrata pero ngayon pa lang, gusto nang tapusin diumano ni Donaire ang kasunduan.
Iyan ay kung totoo ang mga balita sa internet na umano’y sinabi ni Rachel, ang asawa ni Nonito, na kakalasan na ni Donaire si Arum.
Maraming nabigla, kabilang na ako.
Si Bob Arum, iiwanan mo dahil hindi umano sumunod sa nilalaman ng kontrata?
Parang hindi kapani-paniwala.
Alam nating lahat na simula nang pormal na tanganan ni Arum si Manny Pacquiao noong 2006, hindi na maawat ang pag-akyat sa tugatog ng tagumpay ni Pacman.
Walang duda, napakalaki ng potensiyal ni Donaire na maging superstar din sa boksing.
Pero kung totoo ang mga nababasa natin sa diyaryo, wari’y hindi maganda ang imahen na ipinakikita ni Donaire.
Nagmamadali siya (o si misis)?
Gusto niya’y magkamal agad siya (si misis?) ng limpak-limpak na salapi?
Masagwa na nga ang nag-aapura, pero mas pangit ang ganid.
Payo ko’y huwag padaskul-daskol. Hinay-hinay muna.
Hindi pipitsugin si Bob Arum.
[You must be registered and logged in to see this link.]
Baka sa bandang huli, magsisi si Donaire.