LAS VEGAS, Nevada – Dumating na sa Las Vegas, Nevada si WBC/WBO bantamweight champion Fernando Montiel kaninang umaga lamang para sa pagdepensa ng korona laban kay 2-time world champion Nonito Donaire Jr. ngayong Pebrero 19 sa Mandalay Bay.
Mula sa kanyang bayan sa Los Monchis, Sinaloa, Mexico kung saan doon sya nag training ng dalawang buwan, ipagpapatuloy ni Montiel ang kanyang paghahanda kontra Donaire sa Las Vegas.
Ayon kay Montiel, kahit dehado sya sa pustahan, patutunayan nya sa buong mundo na kaya nyang pabagsakin si Donaire.
Nakatakda na ring dumating si Donaire ngayong araw sa Las Vegas at sa Miyerkules, isasagawa na ang final press conference at sa Sabado na ang official weigh-in.