01
GENERAL SANTOS CITY - Nagpasalamat si Nonito Donaire Sr. sa Diyos na na-reconcile na sila ng kaniyang anak na si WBO/WBC bantamweight champion Nonito Donaire, Jr.
Ayon sa nakatatandang Donaire, matagal nang ipinagdarasal ng kanilang pamilya na bumalik sa normal ang kanilang relasyon kay Donaire, Jr.
Inamin ni Donaire Sr. sa panayam ng Bombo Radyo Gensan na nawala ang kaniyang galit sa anak ng makita ito matapos ang ilang taon na hindi sila nagkasama.
Pareho umanong humingi ng paumanhin ang mag-asawang Donaire Jr. at Rachel sa kanilang mga magulang.
Habang humingi rin ng paumanhin si Donaire Sr. sa pamilya ni Rachel dahil sa mga hindi magagandang mga binitiwang salita.
Nabatid na ang asawa ni Donaire, Jr. ang unang tumawag sa kaniya at humiling na magkita.
Umaasa ang nakatatandang Donaire na magpapatuloy ang kanilang magandang relasyon, kasama na ang pamilya ni Rachel matapos magkapatawaran sa isa't isa.
original link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/sports-news/43176-donaire-sr-nawala-ang-galit-ng-makita-ang-anak