Sa hangaring matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino na labis na naapektuhan ng kambal na kalamidad na tumama sa Hilagang-Silangang rehiyon ng Japan gayundin sa tumitinding tensyon sa Bahrain ay inatasan ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang augmentation teams ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magtungo sa nasabing mga bansa para asistehan ang mga embahada ng Pilipinas sa Tokyo at Manama sa pag-aasikaso sa kapakanan ng mga Pinoy.
Ang dalawang grupo ay pinamumunuan nina Foreign Affairs Undersecretary for Special and Ocean Concerns Jose Brillantes at DFA Office of Asian and Pacific Affairs Executive Director Maynard Montealegre na lumipad patungong Japan kahapon ng umaga para tumulong sa pag-aaral sa sitwasyon at pag-revalidate sa contingency plan para masigurong higit itong magiging epektibo.
Samantala, isang grupo naman na binubuo nina DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA) Executive Director Ricardo Endaya at DFA-OUMWA Principal Assistant Kristine Bautista ang lumipad naman patungong Bahrain kahapon din ng umaga para sa kahalintulad na hangarin.
[You must be registered and logged in to see this link.]