TOKYO, Japan -- Kinilala na ng Philippine Embassy sa Japan ang dalawang Filipino na nasawi sa nangyaring lindol at tsunami sa bansang Japan noong Marso 11.
Ayon kay Philippine Amb. Manolo Lopez, ang mga biktima ay ang mag-inang sina Grace Agnes Oprecio Hiruta, 45-anyos at anak nitong si Maria, 12-anyos.
Ang mga biktima ay mag-ina at nakatira sa Iwaki City, sa katimugang bahagi ng Hamadōri coastal region, sakop ng Fukushima Prefecture.
Sinabi ni Amb. Lopez na mismong ang asawang Hapones ng biktima ang kumilala sa labi ng mga nito.
Napag-alaman mula sa embahada na mula sa Parañaque City ang nabanggit na Filipina.
[You must be registered and logged in to see this link.]