Nangangamba ang gobyerno ng Japan dahilan sa lagpas na umano sa normal na level ang kontaminasyon ng radiation sa karagatan hindi kalayuan sa Fukushima Dai-ichi nuclear power plant.
Inihayag ni Chief Cabinet Secretary Yukio Edano sa ulat ng isang international news (British Broadcasting Corporation) na base umano sa pagsusuri ay mataas na sa normal level at umakyat na sa 1,250 ang antas ang radiation sa tubig-dagat.
Bunsod nito, higit pang pinag-ibayo ng mga awtoridad ang kanilang pagbabantay sa kabila ng paglilinaw ng nuclear safety agency ng Japan na wala pang banta sa kalusugan ng tao at maging sa marine life ang kasalukuyang sitwasyon.
Bukod dito ay nakitaan na rin ng mataas na level ng radiation ang ilang lugar malapit sa Daiichi ayon sa Japan Science Ministry.
Puwersahang pinalikas ang mga manggagawa matapos madiskubre na masyadong mataas ang level ng radiation sa tubig na nagli-leak sa dalawang reactor ng Fukushima nuclear plant.
Sa ulat ng Agence-France Press, sinabi ng tagapagsalita ng TEPCO na ang level ng radiation na nakita sa nag-leak sa tubig ay 10 milyong beses na mas mataas sa tubig na nasa loob ng reactor na patunay na napinsala na umano ang fuel rods.
Samantala, apat pang Filipino mula sa Fukushima ang na-relocate papuntang Tokyo para matiyak ang kaligtasan mula sa epekto ng nuclear crisis sa nagkaproblemang reactor ng Fukushima Daiichi.
[You must be registered and logged in to see this link.]