gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Ihip mula sa Japan, ligtas

    avatar
    kerl_03
    Registered Member


    Location : laoag city,ilocos norte
    Posts : 206

    Ihip mula sa Japan, ligtas Empty Ihip mula sa Japan, ligtas

    Post by kerl_03 Sat Mar 19, 2011 8:57 am

    Nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi magdadala ng mapanganib na radiation ang ihip ng hanging amihan o northeast monsoon na nagmumula sa Japan.


    Ayon sa weather bureau, may kalayuan ang distansya ng Pilipinas sa Japan kaya lusaw na ang radioactive na dala ng hanging amihan bago ito pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).


    “The winds will dilute any possible radioactive material and a frontal system east of Japan will cause such material to settle before they reach the Philippines,” ayon sa ahensya.


    Siniguro naman ni Undersec. Graciano Yumul Jr. na magbibigay sila ng round-the-clock na update sa magiging takbo ng hangin mula Japan.


    Naglathala rin ng hotline number ang PAGASA para sa katanungan ng publiko. Sa mga katanungan at nais maunawaan ang sinasabing radioactive threat, pinayuhang tumawag sa PAGASA Weather Division 927-1541 para magkaroon ng sapat na kaalaman sa halip na malito sa hindi beripikadong impormasyon.


    Kahapon, ayon sa update ng PAG­ASA, unti-unti nang himihina ang northern hemisphere na nagdadala ng hanging amihan mula sa hilagang bahagi ng Japan kaya hindi nangangamba ang ahensya na mapasukan ang PAR ng radiation.


    “Aside from dilution of any possible radioactive material carried by the winds, a frontal system east of Japan associated with rainfall will cause its settlement. Nonetheless, the winds which may carry any radioactive material from the Fukushima nuclear power plant will not affect any part of the country,” ani Yumul.

    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 6:35 pm