MEXICO CITY - Inanunsyo ngayon ng Mexico
ang planong pagpatay sa 50,000 mga baboy-ramo na tumawid sa border nila
mula sa Amerika.
Ito'y dahil malaking banta umano sa kanilang agriculture sector ang nasabing mga baboy-ramo.
Ayon sa Ministry of Environment sa
estado ng Chihuaha, 1,500 ektarya ng taniman sa Ojinaga ang sinalanta ng
mga baboy-ramo na galing sa Presidio County sa Texas.
Sinabi ng opisyal na si Ignacio
Legarreta na sa lupain ng US lang natutulog ang mga baboy-ramo pero sa
Mexico umano nanginginain.
Ang mga baboy-ramo ay galing Europe na
ini-import sa Texas bilang alaga ngunit kapag pinapakawalan na sa
kagubatan ay sinisira ang mga pananim.
Dagdag ni Legarreta, dumami na ang mga ito at ngayon ay nasa higit 50,000 na.
Plano ng Mexico na gumamit ng mga
kulungan na may pagkain sa loob para mahikayat ang mga baboy-ramo na
lumapit at mahuli ang mga ito. (AFP)
[You must be registered and logged in to see this link.]