Sa kabila ng sinapit na trahedya ng bansang Japan dulot ng magkasunod na pagtama ng 9.0-magnitude na lindol at tsunami, matibay pa rin umano ang commitment ng Japanese government sa pagsusulong ng peace process sa Pilipinas.
Sa katunayan ngayong hapon, igagawad ni Japanese Ambassador to the Philippines Makoto Katsura ang P44 million na halaga ng assistance para sa siyam na mga "peace and development projects" sa Mindanao.
Ayon sa kalatas ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), ang nasabing pondo ay bahagi ng Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects (GGP) sa ilalim ng Japan-Bangsamoro Initiatives for Reconstruction and Development (J-BIRD).
"The projects include construction of five school buildings, two training centers, a floating school and a post-harvest facility," ayon sa kalatas ng OPPAP.
Ang Japan ay bahagi rin ng binuong International Monitoring Team (IMT) na may atas para sa pagpapatupad ng mga security, socio-economic development, humanitarian at civilian protection components sa ilalim ng Philippine Government-MILF peace process.
Isa rin umano ang Japan sa pinakamalaking source ng official development assistance (ODA) at pinakamalaking trading partner ng bansa.