KARACHI - Nagpapatuloy ngayon ang
interogasyon ng mga otoridad sa kanilang naarestong misis na umano'y
pumatay at niluto pa ang kanyang mister sa Karachi City sa Pakistan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon,
nilason muna ng suspek na si Zainab Ahmed ang kanyang asawa matapos
umanong tangkaing gahasain ang kanyang anak sa unang naging mister.
Matapos nito ay kinatay na ni Ahmed ang mister at niluto ang ilang bahagi ng katawan nito at tsaka sinabawan.
"She then butchered him and cooked some body parts in a broth," pahayag ng mga pulis.
Idinetene rin ang pamangkin ng suspek dahil umano sa pagiging "accessory" nito sa krimen.
Sa ngayon ay tikom pa ang bibig ng naturang misis na ngayon ay nakatakda ng sampahan ng kaso. (BBC)
[You must be registered and logged in to see this link.]