Hindi magpapamahagi ng libreng condom ang Department of Health (DOH) sa darating na Valentine’s Day.
Ang desisyon ng DOH ay kasunod ng panawagan ng mga obispo ng Simbahang Katoliko na huwag silang mamahagi ng libreng condom sa mga magsing-irog na nais na magdiwang ng Araw ng mga Puso sa darating na Lunes.
Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, sa halip na condom, ay mga ‘payo’ ang ipamimigay nila sa mga mag-asawa at magkasintahan.
Para sa mga mag-asawa, ang payo ng DOH ay maging tapat sila sa isa’t isa at i-enjoy ang Valentine’s Day, habang ang mga magnobyo pa lamang ay pinapayuhang umiwas muna sa sex.
Sinabi ni Ona na ang isinusulong nila ay moralidad, ‘monogamy’ at ‘abstinence’ upang masugpo ang lumalaking bilang ng HIV/AIDS infections sa bansa.
Pinyuhan din ni Ona ang mga mamamayan hinggil sa kahalagahan ng safe sex upang makaiwas sa panganib ng HIV/AIDS.