Tiniyak ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na walang sentimo mula sa pondo ng gobyerno ang gagamitin sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sinabi ng Pangulo na magiging "injustice" ito kapag ginastusan ng gobyerno ang nasabing libing.
Ayon kay Aquino, magbibigay ito ng masamang mensahe dahil hindi maaaring kalimutan ang mga naging kasalanan ni Marcos.
“I am not sanctioning it… not under my watch,” ani Pangulong Aquino.
Kaugnay nito, nag-sorry ang Pangulo kay Vice President Jejomar Binay dahil inatasan pa nito noon na magsagawa ng pag-aaral pero sa bandang huli ay siya rin ang magdedesisyon.
Magugunitang matapos ang konsultasyon sa iba't-ibang sektor, inirekomenda ni Binay na ilibing si Marcos sa kanyang lalawigan sa Ilocos Norte at bigyan ng full military honors.
Lahat ng nasabing rekomendasyon ay nabalewala dahil sa kapasyahan ng Pangulong Aquino.
[You must be registered and logged in to see this link.]