Hanggang sa kulungan ay masusubukan ang tibay ng pagsasama ng mag-asawang sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Unang Ginoo Mike Arroyo.
Ito ay oras na masuportahan ng matibay na ebidensya ang sinasabing pakikinabang diumano ng dating presidential husband sa umaalingasaw na katiwalian sa P105 milyong chopper scam sa Philippine National Police (PNP).
“Kapag na-established na si Mike Arroyo ay may kinalaman sa bentahan at napunta sa kanya ang napagbentahan, diyan papasok ang plunder case laban sa kanya,” ani Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño.
Kapag nagkataon, ayon kay Casiño, hindi maghihiwalay ang mag-asawang Arroyo dahil ang dating pangulo na ngayo’y Pampanga congresswoman ay mayroon nang mga naunang kasong plunder.
“Hindi sila maghihiwalay. Magsasama sila sa kulungan kapag nakasuhan din ng plunder si Mike Arroyo,” ayon pa sa mambabatas “kaya hindi na sila malulungkot”.
Bukod sa plunder case na posibleng isampa sa dating Unang Ginoo, malaki rin ang posibilidad na madadamay ito sa dayaan noong 2004 presidential elections matapos itong isangkot ng whistleblower na si Sr. Supt. Rafael Santiago sa 2004 election fraud.
[You must be registered and logged in to see this link.]