KUALA LUMPUR, Malaysia - Sapilitang
pinapatigil sa kaniyang bisyo ang orangutan na si Shirley na palaging
nakikitang naninigarilyo.
Ito'y makaraang kinuha na ng mga
wildlife officials ng gobyerno ang naturang orangutan sa zoo sa Johor,
Malaysia dahil sa hindi umano magandang kondisyon ng zoo.
Naka-quarantine ngayon ang orangutan sa
isa pang zoo at ipapadala sa Malaysian wildlife center sa Borneo sa mga
darating na linggo.
Ayon sa Melaka Zoo director na si Ahmad
Azhar Mohammed, hindi na binibigyan ng sigarilyo si Shirley dahil hindi
naman daw normal sa mga orangutan na manigarilyo.
Hindi aniya masabing na-adik na ang
orangutan sa sigarilyo pero naiimpluwensiyahan daw ito ng mga tao sa
kaniyang paligid na naninigarilyo.
Sa ngayon daw ay wala namang pagbabago
sa gana ng orangutan sa pagkain at walang palatandaan na nagkasakit ito o
depressed dahil wala nang sigarilyo.
Binibigyan umano noon ng mga bumibisita sa zoo si Shirley ng sigarilyo kaya ito natuto.
Ayon sa Nature Alert na isang animal
activist group, nagkakaroon ng mood swings ang orangutan dahil wala na
siyang sigarilyo. (AP)
[You must be registered and logged in to see this link.]