gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Lola kritikal dahil sa mga buto ng santol sa kanyang bituka

    lance77
    lance77
    Registered Member


    Location : Laoag Ilocos Norte/Pangasinan
    Posts : 431

    Lola kritikal dahil sa mga buto ng santol sa kanyang bituka  Empty Lola kritikal dahil sa mga buto ng santol sa kanyang bituka

    Post by lance77 Thu Aug 25, 2011 5:58 pm

    KALIBO, Aklan - Nananatili sa intensive care unit (ICU) ng provincial hospital ang isang 75-anyos na lola matapos na bumara sa kanyang bituka ang sangkaterbang buto ng santol.

    Kinilala ang biktima na si Emerita Noble, residente ng Brgy. Aquino, Ibajay, Aklan matapos na makita sa x-ray film ang nakabarang mga buto.

    Base sa impormasyon, nakasanayan na umano ng lola na lumunok ng buto ng kanyang paboritong prutas na santol kung saan season ngayon ng naturang prutas sa Aklan.

    Ngunit, bigla na lamang nagreklamo ang matanda sa kanyang mga anak ng sobrang pagsakit ng kanyang tiyan na hindi nito makayanan kaya't agad itong dinala sa ospital.

    Una rito, isinailalim sa operasyon ang lola kahapon at sa ngayon ay nananatili pa rin sa ICU at inoobserbahan ng kanyang mga doktor.

    Napag-alaman na noong nakaraang taon ay isang babae rin ang namatay dahil sa bumarang buto ng santol sa kanyang bituka.


    link: [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 2:39 pm