DAVAO CITY – Lulong sa bisyo ng iligal na droga at drug pusher ang ama na suspek sa pagmasaker sa sariling pamilya.
Napag-alaman ng Bombo Radyo Davao mula kay C/Insp. April Mark Young, hepe ng Kapalong Municipal Police Station, sinabi nito na palaging may dalang itak ang suspek na si Digni Salvador, 33, residente ng Sampao, Kapalong, Davao del Norte.
Hanggang sa ngayon wala pa rin sa kanyang sarili ang suspek sa pananaga sa kanyang live in partner na si Flornina Lagoy, 30, anak nito na si Rossana Rialo, 12, anak ng dating karelasyon na si Denden Salvador, 2, anak nila ng suspek at ang dalawa nitong pamangkin na sina Chot-chot Masayang at Mariz Masayang, pawang dalawang taong gulang.
Lahat ng mga biktima ay nagtamo ng maraming taga sa ulo at katawan na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Sa ngayon inihanda na ng Kapalong PNP ang kasong multiple murder at parricide laban sa suspek.
Nakatakdang isampa ang kaso sa Davao del Norte Provincial Prosecution office.
Nananawagan ang kamag-anak ng mga biktima na pauwiin na lamang sa kanilang barangay ang suspek upang sila na mismo ang hahatol dito dahil sa kasalanang nagawa.
[You must be registered and logged in to see this link.]