gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    12-anyos na anak napatay ng sariling ina; binatilyo labis ang pagsisisi

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    12-anyos na anak napatay ng sariling ina; binatilyo labis ang pagsisisi  Empty 12-anyos na anak napatay ng sariling ina; binatilyo labis ang pagsisisi

    Post by jezz_wazz Thu Sep 01, 2011 1:48 pm

    BAGUIO CITY - Labis ngayon ang pagsisisi
    at hinagpis na nararamdaman ng 12-anyos na lalaki matapos nitong
    mapatay ang sariling ina dahil sa kanilang pagtatalo.

    Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio
    kay Letty Gozon, kapatid ng biktimang si Flordeliza Antero Solis, 51,
    hindi kumikibo at tulala ang binatilyo na nakabantay pa sa kabaong ng
    kanyang ina na nakaburol ngayon sa kanilang bahay sa Shilan, Tili,
    Tublay, Benguet.

    Ayon kay Goson, nagkaroon ng pagtatalo
    ang mag-ina noong umaga ng Agosto 30, 2011, matapos utusan ni Solis ang
    anak na bumili ng asukal at suka sa tindahan.

    Gayunman, hindi agad bumalik ang
    binatilyo ngunit nang umuwi ito at komprontahin ang ina ay agad na
    lamang itong nag-init at pinalo ng walis tambo ang harap na bahagi ng
    katawan ng ina hanggang sa ito'y manghina.

    Sa kabila nito, nakayanan pa ng biktima
    na ipaalam sa kanyang mga pinsan ang ginawa ng anak ngunit namatay rin
    ito kinagabihan dahil sa mga tinamo nitong galos at pasa sa dibdib at
    iba pang parte ng katawan.

    Dagdag pa ni Goson, sadyang mainit ang
    dugo ng suspek sa kanyang ina kapag ito ang nagagalit, ngunit kung ang
    ibang kaanak ay tahimik lamang umano ang binatilyo.

    Napag-alamang mag-isang pinalaki ng biktima ang dalawang anak na lalaki na isang 27-anyos at ang suspek.

    Nakatakda pa sanang ipagdiwang ng binatilyo ang ika-13 taong kaarawan bukas sa mismong araw ng libing ng kanyang ina.

    Ipinaalam naman ni Benguet Provincial
    Police Office chief S/Supt. Benjamin Lusad, nakatakda nilang i-turnover
    ang suspek sa DSWD matapos ang libing ng kanyang ina.
    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 3:22 pm