gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Simpleng sintomas lang, pero grabe na pala!

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Simpleng sintomas lang, pero grabe na pala! Empty Simpleng sintomas lang, pero grabe na pala!

    Post by jezz_wazz Sat Dec 10, 2011 5:50 pm

    MAY mga nararamdaman ang pasyente na akala natin ay
    normal lang, pero masama na pala ito. Huwag baliwalain ang mga sintomas
    na ito:

    Nagbago ang nunal – Posibleng kanser sa balat o melanoma. Ang nunal
    na hindi pantay-pantay ang gilid at hugis ay dapat ipasuri. Lalo na kung
    nagbago ang anyo nito, naging mas-maumbok o lumaki ito. Pumunta sa
    isang dermatologist. Delikado ang melanoma. Mabilis itong kumalat at
    nakamamatay ito.

    Namumula ang palad – Posibleng nasisira ang atay (liver cirrhosis)
    o kanser sa atay. Isang senyales ng sakit sa atay ang pamumula ng palad
    na kung tawagin ay palmar erythema. Kapag malala na ang sakit sa atay,
    puwede maging madilaw ang pasyente at may pangi­nginig din ng kamay.

    Nagbago ang ugali – Posibleng kanser sa utak, kombulsiyon o Alzheimer’s disease.
    Hindi lahat ng tumor sa utak ay nagdudulot ng sakit ng ulo. May mga
    tumor sa harapan (frontal lobe) ng utak na ang unang sintomas ay ang
    pagbabago ng ugali.

    Ang Temporal Lobe Epilepsy ay isang kakaibang sakit na kombulsyon
    kung saan hindi nawawalan ng malay ang pasyente. Puwedeng makaranas lang
    siya ng matin-ding emosyon o may nakikita o naaamoy na wala naman
    talaga (hallucinations). Ang iba naman ay may paulit-ulit na ginagawa sa
    kanilang mukha, bibig o isang parte ng katawan. Parang abnormal kung
    tingnan. Hindi alam ng ibang nakakakita, kombulsyon na pala iyon.

    Laging naiinitan, laging pinapawisan at kumakabog ang dibdib – Ito
    ang mga sintomas ng goiter o hyperthyroidism. Kailangan ipa-check ang
    thyroid para magamot ito ng maaga. Delikado ito kapag pinabayaan.

    Namamaos – Posibleng kanser sa lalamunan. Ang pangkaraniwang dahilan
    ng pamamaos ay ang sobrang pagkanta, pagtalumpati, o pag-sermon sa
    asawa. Kapag hindi ito umigi ng 2 linggo, kailangan magpa-check sa isang
    ENT specialist para masuri ang vocal cords.

    Bukol sa katawan – Karamihan ng bukol sa katawan ay dahil sa lipoma o
    iyung taba lamang. Hindi po ito delikado. Pero posible din na may
    masasamang bukol. Halimbawa, ang bukol sa suso ay puwedeng kanser.
    Ganoon din ang mga bukol sa thyroid at sa gilid ng leeg. Maaaring kulani
    ito dulot ng impeksiyon o tuberculosis sa baga. Ipasuri ito sa doktor
    para malaman kung okay lang ito.

    Namamayat – Baka kanser na pala. Kahit anong pamamayat ng
    walang dahilan ay dapat imbestigahan. Kapag pumayat ng 10 pounds at
    hindi naman nag-di-diyeta, magpa-check up. Ang iba pang sintomas ng
    kanser ay ang pamumutla at panghihina ng katawan. Kung may duda kayo sa
    inyong katawan, magpakonsulta sa doktor.

      Current date/time is Sat Nov 16, 2024 2:42 am