gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Bone health: Alagaan ang buto

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Bone health: Alagaan ang buto  Empty Bone health: Alagaan ang buto

    Post by jezz_wazz Thu Jan 26, 2012 2:12 pm

    Alam ba ninyo na…

    1. Ang sanggol ay may 300 buto sa katawan. Paglaki niya ay magiging
    206 na lang ang mga buto. Ito ay dahil karamihan ng ating buto ay
    magdidikit na.

    2. Mayroon tayong 14 na buto sa mukha, 8 buto sa wrist, at 23 buto sa paa.

    3. Pagdating ng edad 20, halos kumpleto na ang bone mass o tigas ng
    ating buto. Dahil dito ay dapat tayong uminon at kumain ng maraming
    calcium habang bata pa.

    4. 1 sa 3 kababaihan ay may osteoporosis. Ngunit 1 lang sa 5 kalalakihan ang may osteoporosis.

    5. Kapag kulang ang calcium sa kinakain natin, kumukuha ang katawan
    ng calcium mula sa buto. Kaya hihina ang ating buto at magdudulot ng
    osteoporosis.

    6. Ang isang sanggol ay kumukuha ng calcium mula sa gatas ng ina. Kaya dapat kumain ng maraming calcium ang mga nanay.

    Pag-alaga ng buto:


    1. Bawat taon, may 1.6 milyong hip fractures sa buong mundo.

    2. Para alagaan ang ating tuhod, umiwas sa mga tinatawag na high-impact exercises, [You must be registered and logged in to see this link.] tulad ng basketball, badminton, jogging at football. Mas hindi stressful sa tuhod ang swimming, walking at Taichi.

    3. Kapag napilay, tandaan ang kodigong RICE. R – Rest, I – Ice, C –
    Compression, E – Elevation. Rest – Huwag igagalaw at lagyan ng splint or
    sling. Ice Compression - Lagyan ng yelo sa loob ng 20 minuto. Elevate –
    Itaas ang nasaktang parte ng katawan.

    4. Mahirap maibalik sa dating lakas ang isang nasirang tuhod. Ingatan ito.

    Believe it or not:

    1. Ang pinakamatangkad na tao ay si Robert Pershing Wadlow, isang Americano na may 8 feet at 11 inches ang tangkad.

    2. Ang pinakamaliit na tao ay si Gul Mohammed ng India na 22 inches lamang ang tangkad.

    3. Ang pinakamahabang buto sa katawan natin ay ang buto sa hita. Ang buto ng hita ay nagbibigay ng 28% ng ating taas.

    4. Ang pinakamabigat na tao sa buong mundo ay si Jon Minnoch na uma­bot sa timbang na 1,399 pounds.

    5. Ang pinakamalakas na masel sa katawan ay ang masel ng panga, ang masseter, na ginagamit sa pag-nguya. Kaya mga ka­ibigan, mag-ingat na huwag ilagay ang daliri sa bibig ni baby.

    Baka makagat kayo ng Masseter, ang pinakama-lakas na masel.

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 4:34 pm