gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Pangalagaan ang Ating Buto

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Pangalagaan ang Ating Buto  Empty Pangalagaan ang Ating Buto

    Post by jezz_wazz Tue Nov 22, 2011 2:04 pm

    Isa sa bawa’t dalawang babae at isa sa bawa’t apat na lalaki na mahigit 50 taong gulang ay makakaranas ng “[You must be registered and logged in to see this link.]-related fracture” sa nalalabing bahagi ng kaniyang buhay…kung di mag-iingat.

    [You must be registered and logged in to see this link.]

    Opo ang “osteoporosis” o pagkaupod ng buto ay nakakaapekto rin sa
    mga kalalakihan, Gayunman ang magiging epekto nito, tulad ng pagiging
    kuba o mahinang mga buto, ay hindi natin dapat maranasan kung magiging
    maingat lang tayo sa ating kakainin at siyempre pa samahan ng [You must be registered and logged in to see this link.]!

    Ang ating mga buto ay maituturing na “[You must be registered and logged in to see this link.]”.
    Nakapaloob dito ang ating mga ugat, blood vessels o daluyan ng dugo at
    bone marrow kung saan ginagawa ang ating mga selula. Sa ating paglaki
    tuloy-tuloy ang ating mga buto na nasisira at muling nagagawa.

    Kapag ikaw ay 20 anyos pa lang pababa, mas maraming bone cells ang
    nagagawa kesa nasisira. Pero kapag malapit ng mag-menopause ay
    bumabagal na ang pagpapalit ng buto.

    MGA DAPAT GAWIN UPANG MAIWASAN ANG OSTEOPOROSIS

    Kailangan natin ng sapat na calcium at [You must be registered and logged in to see this link.].
    Ginagamit ng ating katawan ang calcium para sa maraming gawain at
    nauubos ang ating buto kapag kulang ng calcium ang ating kinakain. Pero
    hindi lang ito ang laman ng ating buto, kundi merong collagen na
    nagagamit sa ating pagkilos.

    Sabi nga ni Annemarie Colbin, PhD, may-akda ng Food and Our Bones: The Natural Way to Prevent [You must be registered and logged in to see this link.],
    masdan natin ang mga hayop na may malalaking buto tulad ng kalabaw,
    baka at elepante, “Ano ang kadalasan nilang kinakain, di ang mga
    madadahong halaman?”.

    Dapat ganun din daw ang tao. Ang mga madadahong pagkain ay mayaman
    sa calcium, vitamin K, potassium at iba pang mineral na mainam para sa
    ating buto.

    Mahalaga rin ang [You must be registered and logged in to see this link.]
    sa pagpapatibay ng buto at magandang pinagmumulan nito ang araw. Ang
    pagbibilad sa araw ng 20 minuto araw-araw na walang sunblock ay mainam,
    kaya bago mag 9 AM gawin ito.

    Mahalaga ang protina na makukuha sa beans, isda at manok sa
    pagpa-patibay ng buto. Mahalaga rin ang magnesium para sa matibay na
    buto.

    Subukan: pakuluan ang mga pinagbutuhan o butoi buto
    ng baboy o baka sa 8 tasa ng tubig, haluan ng isang kutsarang suka.
    Haluan ng carrots. sibuyas, paminta at kung may
    seaweeds. Mapapakinabangan ang calcium mula sa naturang mga buto.

    KAILANGAN DIN BA NG GATAS o mga [You must be registered and logged in to see this link.]?
    Kasabihan nga ay uminom ng gatas para sa matibay na buto, subalit para
    kay Dr. Colbin, huwag masyado. “You see the most fractures in
    countries that drink a lot of milk,” saad nito sa aklat. “I am not too
    keen on dairy.”

    Mas pabor si Cosman sa “low-fat milk o yogurt”. Mainam umano ang mga
    calcium-enriched na mga juice. Basta iwasan daw ang asukal, caffeine,
    [You must be registered and logged in to see this link.],
    at madalas na dieting, na nakapagpapagutom sa ating buto. Kaya’t sa
    mga lampas 50 na madalas mag-diet at kailangan ng 1,200 mg ng calcium
    kada araw, kailangan ng [You must be registered and logged in to see this link.]. Calcium citrate ba o calcium carbonate? Magtanong sa duktor.

    EXERCISE

    Tumatagal ang ating buto kung ginagamit ito. Kaya kailangan ay
    galaw-galaw lagi.Sabi nga ni Dr Colbin “Use it or lose it”. Kaya lang
    kailangan ng ibayong pag-iingat lalo na sa mga kababaihang may
    osteoporosis baka pagmulan ng fracture ang mga matitinding exercise.
    Tandaan na ang [You must be registered and logged in to see this link.],
    maging ang paglalakad at jogging o pagsasayaw ay napapahusay ang
    calcium sa pangitaas ng katawan at mga hita napalaging delikado sa
    fracture.

    Kaya palagi po na huwag kalilimutan sa lahat ng oras ang pag-iingat para palaging masasabing “AYOS ANG ATING BUTO-BUTO!”

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 4:25 pm