gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Mahina ba ang buto mo?

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Mahina ba ang buto mo? Empty Mahina ba ang buto mo?

    Post by jezz_wazz Sun Dec 25, 2011 7:15 pm

    Hindi lamang ang mga babae ngayon ang naaapektuhan ng osteoporosis.

    Maging ang matatandang lalake ay possible rin nitong tamaan. Ngunit kaya itong maagapan at maiwasan.


    Ang kawalan ng vitamin C at D ang siyang dahilan kung bakit nanghihina ang ating mga buto.

    Maliban pa rito ang pagkakaroon ng hindi magandang
    lifestyle ay dahilan din kung bakit hindi nagiging maganda ang lagay ng
    mga buto.


    Anong kailangang gawin? Alamin ang limang ‘best bone builders’:


    1. Calcium. Nakakatulong ito upang makagawa at mamantina ang mga buto.
    Pangangailangan araw-araw: 1,000 miligrams kung ikaw ay wala pang edad 50, at 1,500 kung mahigit 50 edad na.

    Saan nakukuha?: Dairy foods, sa mga sardinas na nasa lata, at calcium-fortified soy foods at orange juice.


    2. Vitamin D. Ito ang kumukuha at naglalagay ng calcium sa buto.
    Pangangailangan araw-araw: 800 to 1,000 IUs

    Saan nakukuha?: Vitamin D-fortified na gatas at dairy foods.


    3. Vitamin K. Ginagawang aktibo nito ang proteins na kailangan para maging matibay ang buto.
    Pangangailangan araw-araw: 65-80 micrograms

    Saan nakukuha?: Sa maberberdeng dahon tulad ng spinach, broccoli, at iba pa.

    4. Magnesium. Nagpapagana ito sa production ng buto.

    Pangangailangan araw-araw: 100 to 400 milligrams
    Saan nakukuha: Almonds, avocados, bananas, dried beans,
    lentils, nuts, peanut butter, soy, spinach, tokwa, wheat germ at whole
    wheat bread.


    5. Activity. Makakatulong ito upang mapabuti ang daloy ng calcium sa buto
    Pangangailangan sa loob ng isang linggo:

    Isang malakas na ensayo para sa 2 o 3 araw kada linggo.
    Saan nakukuha?: weight-bearing exercise, gaya ng paglalakad, pagtakbo sa loob ng isang linggo.


    Mga dapat iwasan


    Kung gusto mong maging matibay at malusog ang iyong mga buto, may mga bagay na dapat iwasan para makamtam ito.


    1. Alcohol. Pinababa nito ang activity ng cells na gumagawa para makagawa muli ng buto.
    Anong dapat gawin?: Bawasan ang pag-inom nito kada araw.


    2. Caffeine. Ang sobrang pag-intake nito ay magiging daan upang lumabas ang calcium.
    Anong dapat gawin?: Bawasan ang pag-inom masyado ng tsaa, coffee, soft drinks, at iba pang caffeinated drinks.


    3. Sodium. Bakit? Gaya ng caffeine, dahilan ito upang mawala ang calcium.
    Anong dapat gawin?: Iwasan ang maaalat na pagkain.


    4. Inactivity. Ang kawalan ng walang ginagawa ay daan upang limitahan nito ang daloy ng calium sa buto.

    Anong dapat gawin?: Mag-exercise araw-araw.


    5. Smoking: Sinisira nito ang pangangailan ng katawan sa calcium.
    Anong dapat gawin?: Huminto sa paninigarilyo.



    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 6:23 pm