gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Mister sa Bangladesh, pinutol ang 5 daliri ng misis na nagpilit magkolehiyo

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Mister sa Bangladesh, pinutol ang 5 daliri ng misis na nagpilit magkolehiyo  Empty Mister sa Bangladesh, pinutol ang 5 daliri ng misis na nagpilit magkolehiyo

    Post by jezz_wazz Mon Dec 19, 2011 3:52 pm

    DHAKA, Bangladesh - Isinusulong ngayon
    ng mga human rights group sa Bangladesh na maparusahan ang isang mister
    na pinutol ang lahat na daliri sa kanang kamay ng kaniyang misis.

    Ayon sa report, pinutulan ng daliri ng
    suspek na si Rafiqul Islam, ang misis niyang si Hawa Akther Jui bilang
    parusa umano dahil itinuloy ng biktima ang pag-aaral nito sa kolehiyo na
    hindi nagpaalam sa kaniya.

    Inihayag ng pulisya na nagtatrabaho si
    Islam sa United Arab Emirates at pagbalik ng Bangladesh ay nalamang
    nag-aaral ang 21-anyos na misis.

    Itinali raw nito ang misis at nilagyan ng tape ang bunganga saka pinutulan ng daliri.

    Ayon sa mga doktor, hindi na maaaring madugtong pa ang mga daliri.

    Inihayag naman ni Jui na piniringan pa siya ng mister at sinabihan na may sorpresang regalo pero pinutol ang kaniyang daliri.

    Naaresto naman kaagad ang suspek sa Dhaka at umamin umano sa kasalanan. (BBC)


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Mon May 20, 2024 1:35 am