GENERAL SANTOS CITY - Nilagare ng mga
pulis ang nakataling kadena sa leeg ng 16-anyos na babae na ginawa ng
kanyang amo na isang negosyante.
Ang naturang biktima ay inihatid ng isang traysikad drayber sa San Isidro Police Station sa General Santos City.
Mismong ang hepe na si S/Insp. Lorenzo Henares III ang lumagare sa kadena matapos datnan ang biktima sa presinto.
Ayon kay PO1 Jay R Bapor ng San Isidro
PNP, binugbog umano ng tatlong bodguard ng kanyang amo na nakilalang si
Julius Escobar ang biktima sa loob ng internet cafe na binabantayan
nito.
Nag-ugat ito nang pinalitan umano ng
biktima ang isang processor ng isang computer sa puwesto para gumana at
magamit ng mga customer na ikinagalit naman ng suspek.
Nakatakas lamang ito nang makatulog ang
amo kung saan dumaan ito sa likuran ng internet cafe at tumalon ng pader
hanggang sa makahingi ng tulong.
Kasalukuyang inindorso na ang biktima sa City Social Welfare and Development Office.
[You must be registered and logged in to see this link.]