GENERAL SANTOS CITY - Naghihintay na ngayon ang engrandeng hero's welcome para kay WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa lungsod ng Heneral Santos at Sarangani province matapos ang panalo nito laban kay Mexican Juan Manuel Marquez.
Ayon kay Sarangani Gov. Miguel Rene Dominguez, malaki ang kaniyang paghanga sa performance ng kanilang kongresista kung saan muli na naman itong nakapagbigay ng karangalan sa mga Pilipino.
Habang inamin ng gobernador na napatunayan ng dalawang boksingero ang kanilang galing at husay sa boxing ring subalit nanaig ang husay ni Pacquiao.
Ayon kay Dominguez, ang hero's welcome ay itinakda sa Nobyembre 25 kasabay ng opening ng Munato Festival ng Sarangani province.
Habang inihayag din ni Avel Manansala, media liaison officer ng city mayor's office ng GenSan, na ang grand hero’s welcome ay pinaghandaan na para kay Pacquiao.
Makikipag-ugnayan na rin ito sa kampo ng boxing champion sa detalye ng naturang engrandeng pagsalubong.
[You must be registered and logged in to see this link.]