Sa kabila ng malaking agwat sa edad at kahit anim na buwan na umanong magkasintahan, hindi sukat akalain ng isang 16-anyos na dalagita na basta na lang siya gagalawin at inilugso ang kanyang pagkabirhen ng kanyang 35-anyos na boyfriend sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.
Agad nagsumbong sa kanyang mga magulang ang biktima na itinago sa pangalan Connie, estudyante, kung kaya’t mabilis namang humingi ng tulong sa mga opisyal ng kanilang barangay at ipinaaresto ang suspek bago itinurn-over na si Glenn Compas y Demorar, binata, technician, tubong Iloilo at naninirahan sa Ruhale Ext., Brgy. Calzada Tipas, Taguig City.
Ayon kay SPO4 Digna Cas, hepe ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Pasig City Police Station, nagkaroon pa umano ng kalituhan sa kaso ng biktima dahil sa pagiging minor ng biktima dahil hindi agad umano nalaman nito kung saang lugar siya dinala at pinagsamantalahan ng suspek.
“Ang kasong ito ay nakarating pa sa Women Desk ng Taguig City Police dahil pareho silang taga-Taguig at sa Women Desk ng Taytay Police dahil ang sabi ng biktima ay sa Taytay siya dinala, hindi talaga alam ng biktima,” pahayag ni SPO4 Cas.
Nagkaroon lang umano ng kalinawan nang sabihin mismo ng suspek na isang lugar sa San Miguel, Pasig City niya dinala at ginalaw ang biktima.
Base sa pag-iimbestiga ni PO2 Abigail Saguid, ng WCPD, sinabi ng biktima na sinundo siya sa kanilang eskuwelahan ng suspek na sakay ng motorsiklo, inakala umano ng biktima na ihahatid siya nito sa pag-uwi, subalit nagtaka siya nang iba na ang tinatahak ng motorsiklo.
“Tinanong ko po si Glenn kung bakit hindi niya ako inihatid sa bahay ang sabi po niya ay mag-uusap lang daw po kami at dinala niya po ako sa pinagseserbisan niya na videokehan at videogame at doon ay agad siyang nagpabili ng Red Horse at nakipag-inuman siya sa kanyang kaibigan,” pahayag ng biktima kay PO2 Saguid.
Hanggang inabot na umano ng hatinggabi ay nagpasya umano ang suspek na doon na lang sila matulog na binigyan sila ng isang bakanteng kuwarto at doon na isinagawa ng suspek ang masamang plano.
Aminado naman ang suspek sa nagawa at sinabing nakahanda siyang panagutan ang ginawa sa dalagita.
[You must be registered and logged in to see this link.]