gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


2 posters

    GOOGLE ADSENSE TO THE RESCUE

    HYPERTEK
    HYPERTEK
    Site Owner
    Site Owner


    Location : Banga Town
    Posts : 3948

    Character sheet
    INCSA:

    GOOGLE ADSENSE TO THE RESCUE Empty GOOGLE ADSENSE TO THE RESCUE

    Post by HYPERTEK Wed Apr 04, 2012 2:59 pm

    gandang hapon!

    share ko lang ang aking karanasan sa buhay.

    ganito po yon nagkasakit ang aking panganay noong march 23, 2012. kaya pinacheck up ko sa doctor at siyempre bumili ako ng gamot niya. dahilan hindi parin gumaling kaya punta na naman sa ibang doktor para 2nd opinion kung ano ang sakit. same lang din ang sinasabi at 3rd opinion sa malaking ospital na kami nagtungo para sa laboratory at xray na. pero sabi sa ospital ok naman. baka may nakain lang daw kaya hindi ko pinaconfine ang aking anak. pero noong march 27, 2012 nakakaalarma na kasi lumaki na ang tiyan at malakas ang tunog ng tiyan niya at bilang isang ama ramdam ko ang nararamdaman ang aking anak na napakasakit. kaya eto binalik ko sa ospital (MMMH&MC) kaya xray nila agad dalawang beses, preo cleared naman ang finding. dahil don confine na ang kinalabasan. ang sakit sakit sa kalooban ko na nakaratay ang aking anak sa ospital ni salita wala akong narinig sa kanya kahit maraming iturok sa kanya hindi niya na maramdaman. kaya doon na lang ako sa tabi niya. hindi na ako nagbukas ng shop. sa dami ng reseta sa ospital yong iba pinababayaran yong iba naman charge muna sa ospital. pakonti ng pakonti ang pera ko kaya lumapit na ako sa mga malalapit na kaibigan at kapamilya para makahingi ng tulong pang financial. mga ibang tinakbuhan ko ni isang text o reply wala kahit tinatawagan ko pa walang sagot. pero kahit ganun may mabubuti naman kahit papaano. pero pagdating ng march 29, 2012 umuwi kami ng misis para makapaghanda ng kahit isang kilo lang ng pancit kasi graduation ng panganay ko pero hindi nakapunta kasi nasa ospital. sayang pa naman top 4 siya sa 39 na kapwa niya mag-aaral.nakabili na kami ng pancit ang natira na lang sa pera ko ay P20 kaya sabi ko sa sarili ko GOD WILL PROVIDE hindi naman tayo pababayaan ng DIYOS! kaya inuna ko pa pumunta ng netshop kaysa umuwi at magluto ng pancit. pagdating ko sa netshop open ko ang gmail ko at ako'y nasiyahan kasi nakita ko ang email ng google adsense ko.

    PROOF:
    [You must be registered and logged in to see this link.]

    sabi ko sa sarili FAITH IN GOD! GOD IS GOOD! kaya bumalik kami agad sa ospital, pagkapasok ko sa aming kwarto nakaupo na ang anak ko at lumiit na ang kanyang tiyan kaya double akong masaya. ang sakit niya ay pneumonia at acute gastroenteritis. kaya kinabukasan pumunta ako sa western union.
    [You must be registered and logged in to see this link.]

    sa awa ng diyos naging ok na rin ang anak ko kalalabas lang namin kahapon.

    naishare ko lang po ito para maencourage ko ang mga gustong maging kumita online. hindi po ako nagmamayabang.

    ang aral dito

    FAITH IN GOD.

    and

    GOD WILL PROVIDE

    [You must be registered and logged in to see this link.]
    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    GOOGLE ADSENSE TO THE RESCUE Empty Re: GOOGLE ADSENSE TO THE RESCUE

    Post by jezz_wazz Wed Apr 04, 2012 4:28 pm

    nakakainspired naman ng kwento mo boss,

    Thanks God at ok na ang anak mo boss hyper at sana tuloy na tuloy na ang kanyang pagrekober at maibalik na ang dati niyang pagkabibo. habang may buhay may pag-asa at lagi lang tayo magdasal at magtiwala sa ating Panginoon. naranasan ko na rin ng nagkaproblema ng matindi pero magkaiba lang tayo ng kwento boss...

    pero gaya ng sabi mo na...

    FAITH IN GOD.

    and

    GOD WILL PROVIDE...

    God Bless!

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 6:21 pm