MEXICO CITY - Naghain na ng reklamo ang isang partido sa Mexico, laban sa paggamit ni Juan Manuel Marquez ng logo ng isang political party sa kaniyang shorts sa trilogy fight nila ni Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada noong Linggo.
Sa reklamong isinampa ng Democratic Revolution Party (PRD), paglabag umano sa umiiral na ban ang ginawa ni Marquez na paggamit ng logo ng katunggaling Institutional Revolutionary Party (PRI) sa isinuot na shorts.
Isa raw uri ng pangangampanya ang ginawa ni Marquez na paglabag sa pinapairal na ban.
Napag-alaman na napanood din sa Mexico ang naturang laban, ilang oras bago ang halalan sa estado ng Michoacan.
Sa halalan ay nanalo ang kandidato ng PRI na dati ay hawak ng PRD.
Batay pa sa reklamo, marami sa mga nanood ng laban sa Las Vegas ay Mexican at pinanood din ito sa buong Mexico kaya promotion daw ng kabilang partido ang nangyari.
"This amounts to the promotion of a party on the international level, something that represents an attack on the equality of political competition in our country," bahagi ng reklamo ng PRD.
Wala pang paliwanag si Marquez o ang PRI sa paggamit ni El Dinamita ng kanilang logo sa laban nila ni Pacman.
Maaaring magpataw ng multa o iba pang parusa ang Federal Electoral Institute kapag napatunayan na may nilabag sa umiiral na election ban ang inirereklamong partido.
Napag-alaman na natalo si Marquez sa naturang laban nila ni Pacquiao. (AP)
[You must be registered and logged in to see this link.]