Isa pang testigo ang hawak ngayon ng Task Force Ramgen na magdidiin sa magkapatid na sina Ramon Joseph (RJ) at Maria Ramona Revilla bilang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanilang kapatid na si Ramgen Jose Bautista.
Ayon kay Chief Supt. Enrique Sy, umamin umano ang bagong testigo na kabilang siya sa pagpupulong nina Norwin dela Cruz at ka-live in nito na si Glaiza Vista bago ang pagpaslang kay Ramgen noong Oktubre 28, para pag-usapan ang mangyayaring bayaran.
Ang testigo ay kinilalang si Llody Comeda, alyas ‘Lim’, na nagsabi na nagpasya siyang umatras nang malaman niya ang planong pagpaslang kay Ramgen, na anak ni dating Senador Ramon Revilla, Sr. kay Genelyn Magsaysay dahil sa hindi kaya ng kanyang konsensya at hindi na nagpakita pa sa grupo.
Napag-alaman din kay Sy na may natatanggap na umano ang pulisya na nagsasabing susuko na si Glaiza Vista.
Samantala, naisampa na sa korte ang kasong murder at frustrated murder laban kay Ramon Joseph “RJ” Bautista, ang pangunahing suspek sa pagpaslang sa kapatid na si Ramgen at tangkang pagpatay sa kanyang kasintahan na si Janelle Manahan, matapos tumanggi ang kanyang abogado na sumailalim pa sa preliminary investigation na itinakda kahapon.
Nauna nang nagpahayag ang abogado ni RJ na si Atty. Dennis Mananzal na sa korte na lamang nila ipagtatanggol ang akusasyon laban sa kanyang kliyente kaya’t nagpasya na lamang siyang maghain ng “waiver” bukod sa may nakabimbin pa silang petisyon kaugnay sa warrantless arrest na isinagawa ng Parañaque City Police.
Ito rin ang dahilan kaya’t hindi na dumalo pa sa itinakdang preliminary investigation si RJ Bautista.
Kaagad namang ini-raffle sa sala ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Brigido Artemon Luna II ang kaso laban kay RJ Bautista at bumagsak ito sa sala ni Presiding Judge Fortunito L. Madrona ng Branch 274 na dating naging sala ni Judge Amelita Tolentino na humawak noon sa kaso ng Vizconde massacre.
Itinakda naman ni Judge Madrona ang pagbasa ng sakdal o arraignment laban kay RJ Bautista sa Nobyembre 16, dakong alas-8:30 ng umaga.
Nabinbin naman ang preliminary investigation sa dalawa pang akusado na sina Michael Jay Naltea at Roy Francis Tolisora matapos mabigong dumalo ang kanilang mga abogado at muling itinakda ngayong hapon.
Kahapon ay nagsumite naman ng karagdagang ebidensiya ang Task Force Ramgen sa pamamagitan ng sinumpaang salaysay ng isa pang testigo na si Ronald Ancajas, ang personal assistant ng napaslang na si Ramgen, na nagpapatibay sa pag-aaway ng magkakapatid na Bautista ng dahil sa pera.
Ramona natunton na sa Turkey
Kaugnay nito, naberepika na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pamamagitan ng Philippine Center for Transnational Crime (PCTC) ang bahay na tinuluyan ni Maria Ramona Bautista, suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ramgen, sa Turkey.
Sa ipinadalang liham ni NBI Foreign Liaison Division Chief Atty. Claro De Castro, Jr. na may petsang Nobyembre 8, 2011 kay PCTC Executive Director Felizardo Serapino, Jr., hiniling nito na makipag-ugnayan sa International Police Organization (Interpol) na nakabase sa Ankara, Turkey at alamin ang kinaroroonan ni Ramona.
Ayon sa report, si Ramona ay tumuloy sa tahanan ng kanyang asawa sa Pinartepe Naallesi, Istanbul, Turkey.
Hiniling pa ni De Castro sa PCTC na alamin sa immigration sa Turkey at ialerto ito sa iba pang miyembro ng Interpol sa iba pang bansa ang mga flights ni Ramona sa iba’t ibang bansa.
[You must be registered and logged in to see this link.]