ILOILO CITY - Labis na kalungkutan sa
ngayon ang nararamdaman ng 29-anyos na ina matapos mamatay ang sanggol
na kanyang iniluwal sa Iloilo Provincial Hospital sa Pototan, Iloilo.
Ito'y matapos mahiwalay ang ulo ng sanggol habang ipinapanganak sa nabanggit na ospital.
Ayon sa ina na si Mae Hitolyo, residente
ng Bugtongan, Dueñas, Iloilo, narinig pa niya ang tunog ng pagkaputol
ng leeg ng kanyang sanggol habang siya ay nanganganak.
Aniya, sinabi umano ng mga doktor na
patay na ang kanyang sanggol habang nasa tiyan nito ngunit iginiit naman
ng ina na naramdaman pa nito ang tibok ng puso ng kanyang anak at
naniniwala na ang ikinamatay nito ay ang nangyaring pagkahiwalay ng ulo
ng sanggol.
Dumipensa naman ang pamunuan ng ospital
sa pamamagitan ni Dr. Prim Parcon na talagang nangyayari ang pagkaputol
ng ulo ng isang sanggol kung ito ay patay na habang ipinapanganak dahil
malambot na ang katawan nito.
Kung maaala nito lamang nakalipas na linggo nangyari din ang pagkahiwalay ng ulo ng bagong silang na sanggol sa Ilocos Norte.
Namatay ang isinilang ni Mrs. Emely
Valeroso-Arzaga matapos hinugot ni Dr. Maria Antonette Pasion ang paa at
katawan ng sanggol habang lumalabas sa puwerta ng ina.
Ngunit naiwan ang ulo matapos hindi makalabas dahil sa sobrang laki nito.
Ang pamilya Arzaga ay desidido na magsampa ng reklamo laban sa ob-gyne.
Ito ay sa kabila ng paghingi ng dispensa at pagpapaliwanag ni Pasion at ng ospital.
Ayon sa pamilya Arzaga, naniniwala sila
na may pagkukulang ang doctor sa pag-asiste kay Emely nang manganak
kaya't namatay ang isinilang na sanggol.
Kinondena ng pamilya ang hindi kaagad
pagsasailalim kay Emely sa ceasarian operation samantalang tapos na
silang pumirma sa consent form.
[You must be registered and logged in to see this link.]