Posible umanong maagang matapos ng Hong Kong Coroner's Court ang imbestigasyon nito kaugnay sa nangyaring Manila hostage-taking incident noong nakaraang taon na ikinasawi ng walong mga dayuhang turista.
Sa pagsisimula ng inquest proceedings ngayong umaga, sinabi ni Coroner's officer, Senior Counsel Jat Sew-tong, na dahil sa kakaunti lamang ang humarap sa pagdinig ay posibleng hindi na nila tatapusin ang naunang itinakda na 25-days proceedings.
Ngayong araw, 35 mga Hong Kong residents na kinabibilangan ng mga survivors at pamilya ng mga biktima ang humarap sa binuong 5-juror panel.
Una na ring tumangging dumalo sa imbestigasyon ang mga naimbitahang resourcer persons mula sa Pilipinas.
Ayon sa naunang report, partikular na tutukuyin ng imbestigasyon ay kung posibleng "friendly-fire" ang nakapatay sa mga biktima.