gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Ranggong leutenant colonel ni Pacquaio, igagawad bukas

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Ranggong leutenant colonel ni Pacquaio, igagawad bukas  Empty Ranggong leutenant colonel ni Pacquaio, igagawad bukas

    Post by jezz_wazz Sun Dec 04, 2011 4:36 pm

    Tiwala ang Philippine Army na malaking
    tulong sa kanilang hanay lalo na sa mga programa ang magiging bagong
    ranggo ni People's Champ Manny Pacquaio na leutenant colonel na siyang
    igagawad bukas sa Fort Bonifacio, Taguig City.

    Mismong mga matataas na opisyal ng
    Hukbong Kampihan ang manguna sa nasabing seremoniya upang igawad kay
    Sarangani Representative Emmanuel “Manny” Pacquiao ang nasabing ranggo.

    Sa inilabas na mensahe ni Army Chief
    Major Gen. Emmanuel Bautista kay Pacquaio mas nararapat umano ang
    nasabing appointment sa pambansang kamao lalo na sa kanilang kampaniya
    na Internal Peace and Security Plan (IPSP) Bayanihan.

    “The Reservists, among them government
    officials like Lt Col Pacquiao, are indispensable stakeholders in our
    campaign to win the peace through the implementation and execution of
    our Internal Peace and Security Plan (IPSP) Bayanihan,” ani Bautista.

    Ayon naman kay Col. Quirino Calonzo,
    asst. chief of Staff for Reservist and Retirees Affairs, OG9, Philippine
    Army, igagawad ang nasabing ranggo pagkatapos mismo ng flag raising
    ceremony.

    Natanggap ni Pacman ang nasabing ranggo noong Septembre 21, 2011 sa AFP Reserve Force.

    Nabatid na bago nito nakamit ang mataas
    na ranggo sa Army naging Senior Master Sergeant muna si Pacquaio at
    itinalaga rin ito bilang Command Sergeant Major ng 15th Ready Reserve
    Division.

    Binigyang linaw naman ni Army Spokesman
    Major Harold Cabunoc na legitimate ang pagtanggap ng ranggo sa kanilang
    kabaro na una na umanong dumaan sa tamang proseso.

    “His commissionship was based on the
    provisions of Section 44 of Republic Act 7077 which provides that
    ‘elected officials and presidential appointees may be commissioned into
    the Reserve Force subject to the existing AFP rules and regulations’,”
    ani Cabunoc.


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 9:10 pm