KORONADAL CITY - Patay ang misis habang sugatan naman ang kanyang mister at anak matapos na pinagtataga ng isang lasing sa loob ng kanilang bahay sa Prk. Matibay, Brgy. Sta. Cruz, Koronadal City kagabi.
Kinilala ang nasawing si Jean Madrid na nagtamo ng matinding saksak sa katawan habang nagpapagaling naman ang mister nito na si Junito Madrid, 41-anyos na nagtamo ng sugat sa leeg at ulo; at anak na si Junito Madrid Jr. na may matinding sugat sa ulo.
Ayon sa report, nag-aaway ang mag-asawa nang biglang pinasok ng lasing na suspek na si Mark Anthony Concepcion, 24-anyos at pinagtataga ang mga biktima gamit ang bolo.
Sinabi ng suspek na dumilim ang kanyang paningin at uminit ang ulo dahil sa ingay na dulot ng mag-asawang nag-aaway na kanyang mga kapitbahay.
Lubos naman ang pagsisisi ng suspek na nakakulong na sa Koronadal City PNP matapos maaresto.
[You must be registered and logged in to see this link.]