Taga sa leeg at likod ang inabot ng isang lalaki mula sa kanyang ama
matapos na igiit ng una na makuha ang mana nito na sinasakang lupa sa
Surigao del Norte.
Ayon kay P/Supt. Martin Gamba, ang biktima ay si Francisco
Blase Culdora, 22, ng Bgy. Katipunan, Pilar, Surigao del Norte, habang
ang suspek ay ang sariling ama nito na si Wedeline Culdora, 53, ng
nasabi ring lugar.
Nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at suspek ukol sa
kagustuhan ng biktima na makuha na ang parte ng mamanahing lupa nito
mula sa mga magulang dahil malapit na umano itong magpakasal sa
kinakasama.
Subalit hindi pumayag ang suspek sa nais mangyari ng
biktima at ikinagalit pa ng suspek ang hakbang ng biktima ng kausapin
nito ang inang si Visetacion Blase na hikayatin ang suspek na ipagkaloob
na ang mamanahing lupa (niyogan).
Sa galit ng suspek sa anak ay umalis ito ng bahay at
nagtago sa madilim na bahagi kung saan inaasahang dadaan ang kanyang
anak dakong alas-otso ng gabi nitong November 25.
Nang makita ang anak ay dito na pinagtataga ng suspek gamit ang isang “sundang” (bolo, itak).
Matapos ang pananaga ay agad namang sumuko sa mga
awtoridad ang suspek na inaming nagdilim lamang ang paningin sa sobrang
galit sa anak.
[You must be registered and logged in to see this link.]