Isang 37-anyos na ginang ang umano’y halinhinang ginahasa ng limang lasing na kalalakihan kamakalawa sa bayan ng Milaor, Camarines Sur.
Itinago ang biktima sa pangalang “Nena”, hiwalay sa asawa at may tatlong anak, residente ng Barangay Alimboyog. Ito ay luhaang dumulog sa himpilan ng Milaor PNP upang isiwalat ang panghahalay na ginawa sa kanya ng limang kalalakihan.
Sa salaysay ng biktima, alas-dos ng madaling-araw nang maganap ang panghahalay nang harangin umano siya ng mga ito habang papauwi siya ng kanilang bahay.
Dinala umano siya sa madamong bahagi ng lugar at doon ay halinhinang ginahasa. Nilubayan lamang umano siya ng mga ito nang mapansing papaliwanag na ang paligid dahil mag-uumaga na.
Sa kabila ng pananakit ng buong katawan ay pinilit umanong makauwi ng biktima bago nagtungo sa himpilan ng pulisya upang isiwalat ang sinapit.
[You must be registered and logged in to see this link.]