gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    2 makapatid na paslit patay, 1 sugatan sa sunog sa La Union

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    2 makapatid na paslit patay, 1 sugatan sa sunog sa La Union  Empty 2 makapatid na paslit patay, 1 sugatan sa sunog sa La Union

    Post by jezz_wazz Thu Aug 18, 2011 1:48 pm

    LA UNION - Patay ang dalawang magkapatid
    na paslit habang isa naman ang sugatan matapos masunog ang dampang
    tinitirhan ng mga ito sa Barangay Bacuit Norte, bayan ng Bauang, La
    Union.

    Nakilala ang mga nasawi na sina Jayson
    Paloga, 4, at Jamaica Jane Paloga, 2, habang sugatan naman ang isa pa
    nilang kapatid na pitong taong gulang na si Aysha.

    Sa naging panayam ng Bombo Radyo La
    Union sa mga kapitbahay ng mga biktima, sinabi ng mga ito na dakong
    alas-9:00 ng gabi umano nang mangyari ang pagkakasunog ng dampa.

    Nagpasaklolo pa sa kanila ang panganay
    sa mga magkakapatid na si John Jonathan Paloga Jr., 10, na himalang
    nakaligtas at hindi nasugatan sa naturang
    insidente.

    Ayon pa sa mga nakasaksi, natutulog umano ang mga bata sa kanilang tirahan at wala ang kanilang mga magulang.

    Sinasabing isang napabayaang kandila umano dahilan sa mabilis na pagkakasunog ng dampa.

    Kasama umano sa naabong tirahan si
    Jamaica Jane, samantalang binawian naman ng buhay sa ospital habang
    nilalapatan ng lunas si Jayson Paloga.

    Nasa mabuti na ring kalagayan ang kanilang kapatid na si Aysha matapos magtamo ito ng sugat sa kamay.

    Nabatid din sa mga naninirahan sa
    naturang lugar, na nakikipag-inuman umano ang mga magulang ng mga paslit
    na sina Arlene at Jonathan Paloga Sr. sa kanilang kapit-bahay nang
    mangyari ang sunog.

    Dagdag pa ng mga kapitbahay, wala ni isa
    umano mula sa mga kawani ng barangay at otoridad ng bayan ng Bauang ang
    nagrespode sa insidente at kaninang umaga lang nagtungo ang mga ito sa
    lugar upang mag-imbestiga sa pangyayari matapos marinig ang balita sa Bombo Radyo La Union.


    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 5:30 pm