VIGAN CITY - Patay mula sa tama ng
kalibre .45 at M-16 armalite rifle ang barangay kapitan ng Daclapan,
Cabugao, Ilocos Sur, habang nasawi rin ang isang police officer at
sugatan naman ang isang empleyada matapos ang nangyaring pananambang
kaninang ala una ng hapon.
Nagtamo ng tama sa ulo at iba't ibang
bahagi ng katawan si Brgy. Capt. Willie Terrago na isa ring retiradong
army, at nadamay si SPO1 Rommel Rebuldela na tinamaan sa kanyang
tagiliran mula sa M-16.
Kinilala ang tinamaan ng ligaw na bala sa kanang braso na si Anabel Tabaniag, isang city hall employee ng Vigan.
Sa paunang imbestigasyon ng PNP Vigan,
sinabi ni PNP provincial office director S/Supt. Eduardo Dopale,
papalabas na ang brgy. kapitan kasama ang bodyguard mula kapitolyo sa
Vigan nang bigla na lamang binaril ng makailang beses ng men
riding-in-tandem.
Gumanti naman ang bodyguard ng kapitan sa pamamagitan ng pagpapaputok ng kanyang M-16 ngunit nakatakbo ang mga suspek.
Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring krimen.
Naglunsad na rin ng malawakang paghahanap sa mga salarin.
original link:
[You must be registered and logged in to see this link.]