Sugatan ang 20 katao matapos tumaob ang isang mini-bus sa national highway sa Bacarra, Ilocos Norte pasado alas-8:00 kaninang umaga.
Sa report ng Bombo Radyo Laoag nasa mabuti na ang kalagayan at nakalabas na ng bahay pagamutan ang ilan sa mga pasahero ng bus.
Kabilang sa mga nakalabas na ng hospital ay mga estudyante na galing pa sa Pagudpud na nagtamo lamang ng mga gasgas at maliit na sugatan sa katawan.
Ang mga naiwan at patuloy na nilalapatan ng lunas ay nagtamo ng malalaki at malalim na sugat na bunga ng pagbaligtad ng bus.
Isa lamang sa mga pasahero ang sinasabing nagtamo ng fracture sa balikat.
Isang taon at walong buwan na bata naman na si Cyra Nichole Nueva ay wala ni isang sugat o gasgas man lang sa kanyang katawan.
Tinatayang aabot sa mahigit 35 ang sakay ng bus na may rutang Laoag-Pagudlud nang maaksidente matapos biglang magpreno ang sasakyan dahil sa tinangkang umwas sa isang motorsiklo.
Pinigit naman sa police station ang driver ng bus at motorsiklo para sa patuloy na imbestigasyon.
link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/55996-20-sugatan-sa-pagbaliktad-ng-mini-bus-sa-ilocos-norte