ROXAS CITY – Patay ang isang sangguniang
kabataan (SK) chairman na binaril ng menor de edad na pinsan din dahil
lamang sa tuksuhan sa Barangay Poblacion Ilaya, Tapaz, Capiz.
Idineklarang dead on arrival pagdating
sa Tapaz District Hospital si Frediner Deluna na nagtamo ng malubhang
sugat sa kaliwang braso matapos barilin ng 12-anyos na pinsan na
kinilala lamang na si Jun.
Napag-alaman mula sa mga imbestigador ng
Tapaz police station na nagalit ang binatilyo sa panunukso ni Deluna
habang sila ay naglalaro sa tahanan ng biktima.
Ayon sa pulisya, biglang umuwi ang
batang suspek at kinuha ang 12-guage shotgun na pagmamay-ari ng kanyang
ama at kaagad binaril ang pinsan.
Hindi na mahanap ngayon ang suspek na agad nagtago matapos ang ginawang krimen.
[You must be registered and logged in to see this link.]