gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    NAG-SUICIDE SA HARAP NG 7-ANYOS NA ANAK

    avatar
    kerl_03
    Registered Member


    Location : laoag city,ilocos norte
    Posts : 206

    NAG-SUICIDE SA HARAP NG 7-ANYOS NA ANAK Empty NAG-SUICIDE SA HARAP NG 7-ANYOS NA ANAK

    Post by kerl_03 Thu Jul 21, 2011 9:19 am

    Isang empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang nagpakamatay sa harap mismo ng kanyang 7-anyos na anak kahapon ng umaga sa Quezon City.

    Patay na nang idating sa Quezon City General Hospital si Alvin Santuya, 35, residente ng No. 62 Abra St., Bago-Bantay sa lungsod na nagtamo ng isang tama ng saksak sa sikmura.

    Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ng anak na si Ian Exequiel ang pagpa­patiwakal ng biktima.
    Sa imbestigasyon ni PO2 Jogene Hernandez, ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima ganap na alas-nuwebe ng umaga.

    Ayon kay Ian, tinawag umano siya ng kanyang ama at pinapasok sa loob ng kwarto. Dito ay nakita ng bata na may hawak na patalim ang biktima na bigla na lamang sinaksak ang sarili.

    Sa takot at pagkataranta, tumakbo papalabas ng bahay ang bata habang umiiyak na humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

    Sa kasalukuyan ay patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pagpapakamatay ng biktima.

    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 4:33 pm