Sinimulan na ni Diana Nyad, 61-anyos, ang kanyang paglangoy sa 103-mile na karagatan upang tawirin ang Cuba at Florida, USA.
Ayon kay Nyad, dalawang taon din niyang pinaghandaan ang naturang malaking hamon upang tangkaing magtala ng record sa open swim na walang anumang pananggalang mula sa pag-atake ng mga pating o shark cage.
May ilang observers ang naniniwala na dapat sana ay magretiro na lamang si Diana at ibuhos ang panahon sa kanyang mga apo.
Subalit para kay Diana halos 62-anyos na siya at ito umano ang kasibulan ng kanyang edad na malakas at kaya pa ang mga pagsubok.
Ayon pa kay Mrs. Nyad, halos lahat ng buhay niya ay naging ambisyon niya bilang unang taong lalangoy sa malawak na karagatan ng walang shark cage.
Ayon naman sa teorya ng iba, nais lamang ibangon ni Diana ang kanyang ego dahil sa 30 taon na ang nakakaraan ay nabigo niya itong gawin at ilang beses na ring ipinagpaliban ang paglangoy niya dahil sa sama ng panahon.
Sa pagtawid sa dagat ni Diana, may isyu ring politika sa dahilang bilang isang kuministang bansa na Cuba ay mahigpit itong ipinagbabawal kaya inabot din ng ilang buwan bago siya nabigyan ng permiso.
Ang team ni Nyad ay binubuo ng 30 katao upang i-monitor siya sa tinatayang 60 oras para matapos ang misyon.
Meron ding limang yate na aantabay sa kanyang paglangoy, kayakers, nutritionist at team ng doctors.
Upang hindi manganib ang kanyang buhay sa mga pating, maglalagay ang mga eksperto ng electronic shark shields na magpapakawala ng electrical impulse upang hindi makalapit ang mababangis na isda at pating.
Ang ibang international news organization ay naglagay din ng special marine tracking satellite dish upang kunan ng live picture ang paglangoy niya. (cnn)
[You must be registered and logged in to see this link.]