gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Bride pinagmulta ng korte matapos 'di siputin ang kasal ng groom

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Bride pinagmulta ng korte matapos 'di siputin ang kasal ng groom  Empty Bride pinagmulta ng korte matapos 'di siputin ang kasal ng groom

    Post by jezz_wazz Mon Aug 08, 2011 8:02 pm

    Pinagmumulta ng korte sa Taiwan ang isang bride dahil sa emotional damage na nagawa sa kanyang groom-to-be dahil sa hindi sinipot ang araw ng kanilang kasal.


    Pinagbabayad ang babae ng US$8,620 bunsod ng hindi pagdalo nito sa kanyang wedding ceremony noong buwan ng Nobyembre ng nakalipas na taon.


    Pinag-awayan kasi nila ng boyfriend na taga-southern Kaohsiung City ang bilang ng mga bisita na iimbitahin.


    Noong panahong 'yon ay limang buwan ng buntis ang babae.


    Sa mismong araw ng kasal ganon lamang ang labis na pagkapahiya at pagkadismaya ng groom dahil sa hindi pagsipot ng bride.


    Upang maibsan ang sitwasyon kinausap ang maid of honour na tumayo munang bride kahit peke ang kasalan para maiwasan ang lalong pagkapahiya.


    Sa ngayon naging totohanan na at na-inlove ang groom sa maid of honor at totohanan na silang nagpakasal.


    Ang bride sana ng groom ay nagsilang na rin ng sanggol at walang asawa.


    Una nang hiningi ng lalaki ang TW$1 million bilang kompensasyon pero sa huli nagdesiyon ang korte na bayaran siya ng TW$250,000. (TVBS)
    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 9:59 am