LAS VEGAS, Nevada – Posibleng magkaharap-harap sa korte sina WBC/WBO bantamweight champion Nonito Donaire at Top Rank Promotion kapag hindi naayos ang gusot at kontrobersiya sa kontrata nito.
Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, para sa kanila, sa 2012 pa matatapos ang kontrata ni Donaire sa Top Rank at hindi sa June 2011, dahil isa sa mga probisyon ng kontrata ang isang taong extension.
“They are saying that there’s been a breach in the contract but it is clear that the contract is in place. Once we present everything to them, they’ll see that a contract is in place,” pahayag pa ni Arum.
Nagbanta naman si Arum na kung ipipilit pa rin ng kampo ni donaire na matatapos na ang kotrata nito sa Top Rank ngayong Hunyo, mapipilitan sya na dalhin sa korte ang usapin.
“I hope they’ll all come to their senses”, pahayag pa ni Arum.
Tahimik naman si Donaire ng tanungin ng media tungkol sa problema ng kontrata nito sa Top Rank.
Ayon kay Donaire, inaayos na ng kanyang mga abugado ang problema kaya’t hindi muna sila makakapagbigay ng pahayag.
Nauna rito, napapabalitang gustong kunin ng Golden Boy Promotions si Donaire at pinapipirma ito ng kontrata sa kanila.
Ang nakatakda sanang kalaban ni Donaire na si WBA bantamweight champion Anselmo Moreno ay inalok din ng Golden Boy ng 4-fight guaranteed contract at ito umano ang dahilan kung bakit tinanggihan nito ang offer ng Top Rank na $350,000 para sa unification bout laban kay Donaire.
link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/sports-news/44523-arum-nagbanta-kay-donaire-na-dadalhin-sa-korte-ang-contract-dispute