gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Parak nag-suicide sa harap ng gf

    HYPERTEK
    HYPERTEK
    Site Owner
    Site Owner


    Location : Banga Town
    Posts : 3948

    Character sheet
    INCSA:

    Parak nag-suicide sa harap ng gf Empty Parak nag-suicide sa harap ng gf

    Post by HYPERTEK Tue Feb 01, 2011 5:16 pm

    Parak nag-suicide sa harap ng gf

    MANILA, Philippines - Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay
    ng isang bagitong pulis matapos na umano’y magpakamatay sa harap mismo
    ng kanyang girlfriend habang sila’y nagtatalo sa lungsod Quezon
    kahapon.

    Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si PO1 Nazareth Tadeo na naka-uniporme pa ng PNP nang gawin ang pagbaril sa sarili.

    Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente sa may Central Avenue sa Brgy. Culiat sa lungsod pasado alas-12 ng tanghali.

    Ayon sa ilang saksi, kasama umano ni Tadeo ang kanyang girlfriend sa lugar kung saan nakitang nagtatalo ang dalawa.

    Sinasabing pinipilit ni Tadeo na isama umano ang girlfriend pero
    tumanggi ito dahilan para sila magtalo. Dagdag pa ng mga saksi, pamilyar
    na umano sa kanila ang pulis dahil madalas nilang nakikita itong
    sinusundo ang kanyang girlfriend.

    Kaya naman, habang nagtatalo umano ay biglang nagbunot ng baril ang
    pulis saka itinutok sa kanyang ulo at pinaputok dahilan ng kanyang
    agarang kamatayan.

    Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ng pagsisiyasat ang pulisya sa nasabing insidente.




    original link:[You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Fri Nov 15, 2024 5:45 pm