LAOAG CITY – Apat katao kabilang ang dalawang bata ang nasugatan sa nangyaring pananambang sa isang barangay road sa Payao, Batac City, sa Ilocos Norte.
Kinilala ang mga biktima na sina Michael Barruga, driver ng tricycle, mga pasahero na sina Shanaia Mikaela Maceda, 9, Kenning Louise Ann Maceda, 11, at Mary rose de Jesus, guardian ng dalawang bata.
Dalawang iba pang bata na pasahero rin ng tricycle na sina Maxene Maceda, 8, at John Paul Maceda, 2, ang masuwerteng nakaligtas.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP, binabaybay nina Barroga at kanyang mga pasahero na galing ng Maynila ang barangay road nang bigla silang paulanan ng bala ng dalawang armado at nakaboneteng mga suspek.
Isang lalaki ang inimbitahan ng PNP ngunit kinilala ng isa sa mga biktima na hindi siya ang nakita niyang bumaril sa kanila.
Ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama sa likod, braso at sa balakang.
Hanggang ngayon ay wala pang matukoy ang mga otoridad kung sino ang nasa likod at ano ang motibo sa nangyaring pananambang.
link:http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/43726-4-sugatan-sa-ambush-sa-ilocos-norte