Ayoko sana ang ganitong trabaho kaso kailangan ko ng pera para sa pagkain ng aking pamilya.”
Ito ang pag-amin ng isa sa lima kataong dinampot nang maaktuhang gumagawa ng kalaswaan sa harap ng computer nang salakayin ang isang cybersex den sa Barangay Bamboo Hills, Consolacion, Cebu.
Kasabay ng pag-aresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-7 ay inginuso ng mga ito ang manager ng pinapasukang cybersex den na isang Dutch national at ang kasapakat nitong dalawang kababaihang Pinay na tumatayong mga manager ng nasabing iligal na negosyo.
Kabilang sa naabutan sa sinalakay na apartment na nagsisilbing cybersex den ay dalawang babae, at tatlong lalaki na pare-pareho ang linya ng trabaho sa cybersex den.
Samantala, hindi muna isinapubliko ng pulisya ang pangalan ng mga suspek dahil kasalukuyan pa ang kanilang ginagawang paghahanap sa mga ito na ipinagharap ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 sa Cebu Provincial Prosecutor’s Office.
Ang pagsalakay sa apartment ng Dutch national ay isinakatuparan sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Samuel Malazarte ng Regional Trial Court-Branch 15.
Batay sa kuwento ng isa sa mga trabahador ng cybersex den na si Jose (‘di tunay na pangalan), na-recruit diumano siya ng isa sa Pinay na manager na magtrabaho sa kanyang Internet café kapalit ang P15,000 na sahod kada 15-araw. Paghuhubad at paggawa ng kalaswaan umano sa harap ng camera ang natokang trabaho sa kanya.
Sinabi pa nito na bahagi ng kanyang “trabaho” ang paglalaro ng ari at pakikipag-sex sa babae sa harapan ng kamera.
Aniya, ginagawa niya ang “trabaho” tatlong beses kada linggo sa loob ng apat na oras at binayaran ng P1,000 hanggang P2,000 kada 15-araw ng mga dalawang manager ng Dutch.
Kuwento naman ni Dale (‘di rin tunay na pangalan), dala ng pangangailangan sa pera at kahirapan sa buhay kaya’t na-recruit siya sa trabaho pero ang masaklap nagoyo diumano sila ng Dutch na mag-sex na mag-asawa tatlong beses sa isang linggo sa harapan ng kamera kapalit ng P500 hanggang P1,500 kada 15-araw.
Sa panig naman ng isa pang cybersex worker na itinago sa pangalang Dennis, ni-recruit umano siya ng Dutch at dalawang manager nito bilang model pero nagulat na lamang siya nang ipagawa sa kanya ang mga kalaswaan sa harapan ng camera.
link:http://www.abante-tonite.com/issue/apr1011/news_story01.htm