MANILA – Kinumpirma ng isa sa mga adviser ni 8-division world champion Manny Pacquiao na muling binuksan ang negosasyon para sa posibleng pagharap ng kasalukuyang pound-for-pound king at dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr.
Ayon kay Michael Koncz, maganda ang panimula ng negosasyon at malaki ang posibilidad na matutuloy na rin sa wakas ang pinakahihintay na labanan ng dalawang kinukunsiderang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.
Nagbabala naman si Koncz na huwag masyadong umasa ang mga fans dahil sa pabago-bagong pag-iisip at pagdedesisyon ng kampo ni Mayweather.
“It looked positive last time, too. We're always hoping to entertain a fight with Mayweather. Pahayag pa ni Koncz.
Ngunit hindi umano ito ang prayoridad ngayon ni Pacquiao kundi ang nalalapit na laban kay 5-time world champion Sugar Shane Mosley na gaganapin sa Las Vegas, Nevada sa Mayo 7.
Kamakailan lang lumabas ang mga balita na muling magbabalik sa ring si Mayweather Jr. sa Hulyo, sa South Africa bilang handog sa ika-93 kaarawan ni dating South African president Nelson Mandela.
Posibleng tune-up fight umano ito ni Mayweather para sa laban kay Pacquiao sa Nobyembre.
Nagpahayag din si 6-division world champion Oscar de La Hoya, presidente ng Golden Boy Promotion, na naniniwala sya na matutuloy na rin ang Pacquiao-Mayweather fight ngayong taon.
Tinatayang tatanggap ang dalawang boxer nang hindi bababa sa $50 million kung matutuloy ang laban, sinasabing pinakamataas na kita ng isang boksingero sa kasaysayan ng prize fighting.
original link: [You must be registered and logged in to see this link.]