gsmilocos

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Share Me


    Paraan para bumata

    jezz_wazz
    jezz_wazz
    The Updaters
    The Updaters


    Location : san nicolas
    Posts : 357

    Paraan para bumata Empty Paraan para bumata

    Post by jezz_wazz Wed Jan 04, 2012 6:23 pm

    Ngayong kapapasok lang ng Bagong Taon, naisip niyo ba na madaragdagan
    na naman ang ating edad ng isang taon? Talagang tumatanda ang tao...
    pero hindi ba mainam at gumaganda ang pakiramdam kung magagawa ang mga
    pamamaraan na bumabata ka habang ikaw ay nagkakaedad.... Pagtuunan ang
    mga payong ito at kapag nasunod ay makakatulong na bumata sa taong 2012.

    1. Uminom ng vitamin D.
    Ito ang tinaguriang “ultimate anti-ager vitamin”. Dahil tumutulong ito
    sa inyong memorya, balat, puso, mga buto at mga ugat o arteries, at
    panlaban sa cancer. Ang pagkakaron ng sapat na vitamin D araw-araw
    (1,000 mg; 1,200 mg paglampas edad 60) ay nakapagpapabata ng mga 9 at
    kalahating taon.

    2. Ingatan ang ngipin at gilagid. Ang
    matamis na ngiti ay nagpapaganda at nakakatulong na maayos ang inyong
    mga ugat at immune system. Ang pagsesepilyo at paggamit ng dental floss
    araw-araw ay nakapagpapatibay sa ngipin at maiwasan ang pagkasira ng
    ngipin na nakapagpapabata ng itsura.

    3. Manmanan ang inyong mga numero.
    Ang pagpapanatili ng maayos na sukat ng inyong baywang, maging ng
    presyon ng dugo, blood sugar at kolesterol ay daan para maiwasan ang mga
    mas malalang problemang pangkalusugan, lalo ang sakit sa puso. Aabot
    daw sa halos 19 na taon ang pakiramdam ng ibinata mo.

    4. Kontrolin ang stress. Maraming pinagmumulan ang stress, marami rin itong klase at bigat o lakas.

    Meron ding good stress, pero ang pangit na klase ay
    dapat bawasan o alisin sa pamamagitan ng meditation o iba pang
    meditation techniques

    5. Makipag-ugnayan.
    Makipag-ugnayan sa mga pamilya, mahal sa buhay o sa mga kaibigan sa
    pamamagitan ng tawag sa tele­pono, texting, sa email, chat sa internet o
    personal na makipag­usap kaya. Ang palaging konektado ay
    nakapagpapabata ng halos 8.5 taon.

    6. Mag-ehersisyo. Gumamit
    ng mga weights para lumaki ang muscle at tumibay ang mga buto. Ang
    pagsasagawa ng strength-training, 10 minuto tatlong beses sa isang
    linggo ay nakapagpapabata ng halos 2.6 taon.

    7. Maging masayahin.
    Manood ng mga nakakaaliw, nakakatawa o kahit mga puno ng pagmamahalan,
    kasama ang mga kaibigan. Ang pagtawa ay nakakabawas umano ng halos 8
    taon sa edad niyo.

    8. Maging mahilig sa mga prutas at nuts.
    Ang mga prutas at mga klase ng nuts tulad ng mani ay nakaka­tulong para
    sa isipan, puso at baywang. Ang pagkain ng mga 4 hanggang 5 servings ng
    prutas at nuts ay nakapagpapabata ng halos 6 na taon.

    9. Gustuhin ang mga whole grains.
    Tandaan na ang mga unprocessed grains ay mayaman sa sustansiya at mga
    hiblang kaila­ngan ng inyong katawan para iwas sakit at mapanatili ang
    timbang.

    Kumain ng hanggang 5 servings araw-araw para mas bumata ng 2.6 taon.

    10. Isipin ang mga masasayang sandali.
    Maging positibo sa inyong mood at ang pagiging mabait ay nakakatulong
    para maging balanse ang inyong vital system. Pakiramdam ay babata ka ng
    mga 5 taon.

    Think it’s up to 9 years younger. Aim for 30 minutes of activity every day.

    11. Hustuhin ang oras ng pagtulog.
    Ang sapat na oras ng tulog ay nagpapalakas sa katawan at nagpapagaan sa
    timbang. Ang ‘di bababa sa 6 na oras na tulog sa isang gabi at ‘di
    lampas sa 9 na oras ay nakapagpapabata ng mga 3.4 taon.



    [You must be registered and logged in to see this link.]

      Current date/time is Sat Nov 16, 2024 3:44 am